Sabado, Abril 09, 2011

Pep.ph: Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter by Nerisa Almo

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

"Four years [old] pa lang ho si Jan-Jan, 'yon na ang sinasayaw niya sa eskuwelahan. Sa mga pa-contest, 'yon na ang sayaw ng bata."

Patuloy pa ni Willie, "Ngayon, ano ang ginawa ng DSWD? Inakusahan na agad ako, kinasuhan na agad ako ng child abuser ako.

"Ano ginawa ng CHR, human rights? 'Yon ho, hinusgahan agad ako na in-exploit ko 'yong bata, na-child abuse ko.

"Lahat po dito, inakusahan na ako. Sa diyaryo, lahat, dino-drawing-an pa akong monster, lahat. Kung mababasa n'yo 'yan... Hindi ko na ho 'yan nababasa lahat, kinukuwento na lang. Lahat ho, ganyan ang ginawa sa akin, lahat po ng mga taong iyan."

Pero ani Willie, hindi siya naapektuhan sa mga paninirang ito, na sa tingin niya ay gawa ng mayayaman, dahil aniya, "Ang puso ko ay nasa kanila, nasa mga mahihirap, nasa mga tao.

Source: pep.ph

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post