Sabado, Abril 09, 2011

Pep.ph: Alyanna Asistio on her acting challenges: "Yung kontrabida at yung iyak. Yun po, nahihirapan po akong umiyak." by Rey Pumaloy

Sa April 18 ang 17th birthday ni Alyanna Asistio, ang nakababatang kapatid ni Ynna Asistio.

Si Alyanna ay isa sa mga young talents ng TV5 na dating napanood sa nagtapos na romantic comedy na BFGF at My Driver Sweet Lover.  Ngayon naman ay isa siya sa mga hosts ng youth-oriented program na Fantastik at gag show naLokomoko U sa TV5 pa rin.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Alyanna sa taping ngFantastik, sinabi niyang walang engrandeng birthday celebration ang magaganap sa kanyang kaarawan dahil gusto raw nitong paghandaan ang kanyang debut next year.  Pinag-iipunan nga raw niya ang gagastusin nito.

Hindi ba siya susuportahan ng family niya sa debut niya?

"Eh, nagwu-work naman ako," bungad niyang rason.  "Pero po sabi ng Daddy ko, bilhin ko lang po lahat nang gusto ko.  Nagstart po kasi ako mag-work, gusto ko lang na kapag nag-party ako gusto ko sa akin galing lahat.  Kung magkulang, e, di dagdagan na lang nila.

"Yung 17th birthday ko po, magpapa-party rin ako.  Pero siguro kain lang, invite lang ako ng ilang friends," saad niya.

Bagamat, marami siyang mga shows hindi naiwasang mag-isip ni Alyanna kung bakit mas nauna pang mabigyan ng lead show ang dalawang star factor product na sina Ritz Azul at Eula Caballero. 

"Magsisinungaling naman po ako kung hindi ko sasabihin na inisip ko rin po yun, na mas nauna ako pero bakit sila may lead?  Naisip ko rin po na siguro hindi ko pa panahon ngayon.  Darating din po ako doon pero hindi pa po ngayon. 

"Sabi rin po ng Mommy ko, hindi parati ikaw ang papansinin.  So, lagi ko pong ina-absorb ang payo ng Mommy ko kasi siya po ang may alam. 

"Siguro hindi ka pa ngayon, pero hindi ka papabayaan ni Tita Annabelle mo," na ang tinutukoy ay si Annabelle Rama na manager niya.

Nalilinya ngayon sa hosting si Alyanna dahil sa Fantastik.  Nagku-comedy naman siya sa Lokomoko U na isang gag show.

ACTING CHALLENGES. "Yun pong drama ang gusto ko pong i-try.  Kahit kontrabida man lang.  Yung mga challenging role po sa akin e yung kontrabida at yung iyak.  Yun po, nahihirapan po akong umiyak.

"Mommy ko nag-kontra sa Dyesebel non.  Gusto ko lang pong subukan lahat.  Gusto ko pong magsayaw, kumanta, mag-drama.  Kahit ano po, kakayanin ko po.  Sinabi ko rin po kay Tita Annabelle yung mga gusto kong gawin.  Sabi rin po ni Tita Annabelle hindi rin po palaging ako yung papansinin. 

"Mas priority ko kasi ngayon talaga yung star factor.  Ako naman po, okey lang kahit hindi ako masyadong inano ngayon. At least, may show pa rin po ako.  Thankful pa rin po ako," paliwanag niya.

Kahit galing sa isang kilalang pamilya, natural na raw kay Alyanna ang maging friendly sa mga kasama lalo na sa mga baguhang gaya niya.

"Ako po kasi sa kanila, ako yung hi!  Yun po ang ikinakagalit ng Mommy ko, kaya po minsan nami-misinterpret ako ng mga tao.  Kasi ako po kahit nakaupo lang yung babae, 'Uy, anong name mo?'  So, sa kanila po, ako po yung unang bumabati, nakikipag-usap.

"Yun nga po, nagka-problema po ako before, hindi ko na po babanggitin yung name."

Isa sa mga kasamahan niya sa Fantastik ang tinutukoy niya.

"Siguro po, feeling ko close na kami, nagkuwento po ako.  Uy, ganito ang nangyari... Hindi naman po isyu, nakarating lang kay Mommy.  Hindi naman ako namrublema noon kaya lang nakita lang niya ang nangyari, yun nga kinuwento ko.  Tapos kinuwento niya sa iba.  Marami nang nadagdag.  Nakarating sa Mommy ko.  Yun nga po yung problema, ang dali ko raw pong magtiwala sa ibang tao.

source: pep.ph

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post