Sabado, Abril 09, 2011

Pep.ph: Carmina Villaroel says she and Zoren Legaspi are still together because they give each other space; has no news on Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari by Rommel Gonzales

Gusto ni Carmina Villaroel ang idea na magkaroon ng Celebrity Edition ang Amazing Cooking Kids na mga anak nila nina Aiko Melendez at Ruffa Gutierrez ang mga contestants.

Sila noon ang tatlo sa prized possessions ng Regal Films at binansagang Underage Girls 2, na sumunod sa mga yapak ng original Underage Girls na sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie and Snooky Serna.

"Gusto ko yan! May Channel 5 [Ruffa] may Channel 7 [Carmina]. gusto ko yan. Diyos ko, baka wala kaming suwelduhin," ang tawa nang tawang pahayag ni Carmina na host ng Amazing Cooking Kids na mapapanood na sa Sabado, April 16, 11:15 a.m. sa GMA-7.

Samantala, PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na tuloy ang communication ni Carmina kina Aiko at Ruffa.

"Oo naman, palagi, lalo na dahil sa Blackberry, di ba, especially kami ni Aiko halos every day. Kasi gumawa ako ng grupo naming apat; ako, si Gelli [de Belen], si Candy [Pangilinan], si Aiko. So every day nag-uusap kami. Si Ruffa din madalas din, dahil nga sa Blackberry tsaka sa Twitter.

"Tsaka pag may nabasa ako, i-BBM ko siya. Tsaka si Ruffa naman, ever since kahit nung nasa Turkey pa siya hilig nun yung nagsusulat nagte-text, yung talagang napaka-ano niyan, nagre-reach out talaga siya sa mga kaibigan niya.

"So what more yung nandidito siya? In fact siya yung 'O tara,  mag-ano naman tayo, let's go out!'"

Nalungkot si Carmina sa hiwalayan nina Aiko at Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Siyempre nakakalungkot kasi matagal din sila pero hindi pa kami nakakalabas para pag-usapan iyon ng bonggang-bongga so hanggang dun lang. Sinabihan lang kami, hindi pa masyadong ma-detalye kasi napapagod daw siya [pagpindot] sa fone kasi ang haba."

Hindi pa dumating sa point na humingi sa kanya ng advice si Aiko.

"Wala naman, kasi nung sinabi niya sa akin hiwalay na sila e, so siyempre kaming mga kaibigan niya mga words of encouragement na lang na 'O kaya mo yan', siyempre di ba?"

STILL TOGETHER. Sila ni Zoren Legaspi, nananatiling matibay ang relasyon. Ano ang sekreto?

"Wala e, siguro... ano nga ba? Siguro swak lang kami. We give each other space.  Natuwa lang ako sa sinabi ni Zoren na he knows that he's taken but I don't make him feel that he's taken.

"Walang sakalan. Ako pa nga ang nagsasabi sa kanya na 'Labas ka naman!'

"Siguro kasi nga dahil rin naman sa kanya kaya may trust ako sa kanya.

"Ano ba naman yung lumalabas siya minsan, bakit naman pipigilan ko pa? E, hindi naman kami nagsu-swak ng schedule  and as much as gusto namin na lagi kaming magkasama e hindi naman pupuwede, so hinahayaan ko siya.

"Hinahayaan ko siya na lumabas, meron silang Wednesday group, e. Magsasabi yun na 'Hon, I'm going out, ha?'

"Ako pa yung 'Ay sa wakas!' Ako pa yung 'Sige labas.'

"Siguro alam naman kasi namin where we stand, alam naman namin ang sitwasyon pero hindi na para 'O hindi puwede ang ganito, ha?'

"Wala nang paalam-paalam, sasabihin mo lang na 'Hon, I'm going out, ha?'

Source: Pep.ph

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post