Tumatak agad ang karakter ni Julia Montes bilang Clara sa remake ng Mara Clara dahil sa husay niya sa pagganap sa nasabing role na unang ginampanan ni Gladys Reyes.
Sa taas ng ratings at following ng nasabing serye, di na pagtatakhan kung sina Julia at Kathryn Bernardo ang dalawa sa pinakapinu-push sa ngayon sa hanay ng mga kabataang artista ng Kapamilya network.
Last Wednesday, April 6, ay pumirma ng three-year contract si Julia sa ABS-CBN, kasama ng mga top executives na sila Ms. Linggit Tan, Ms. Cory Vidanes, Mr. Deo Edrinal, at ang Star Magic bosses na si Mr. Johnny Manahan and Ms. Mariole Alberto.
"Pumirma po ako ng three-year contract with ABS-CBN for Mara Clara and another teleserye. Wala pang sinasabi na definite project, pero may mga susunod na shows na pinaplano."
Ayon kay Julia, di niya inaasahan na ganun kainit ang pagtanggap ng publiko saMara Clara kung saan siya ni-launch bilang isang artista.
Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang reaksyon niya na sila ang susunod na ibi-build ng Kapamilya network.
"Sobrang happy kasi di namin ito inaasahan. Siguro ibibigay na lang namin yung best namin sa trabaho every time na bibigyan kami ng chance ng ABS-CBN para masuklian namin yung opportunity na ibinibigay sa amin," aniya.
"Hindi ko po in-expect ito. Sobra nga akong shocked right now. Sobra akong saya na marami pa rin ang sumusubaybay sa Mara Clara kahit remake lang siya. Nagpapasalamat ako sa lahat nang patuloy na sumusuporta sa serye."
Dahil halos sabay na pinu-push ng ABS, hindi raw kaya maapektuhan ang samahan nila Julia at Kathryn dahil sa pagkukumpara na ginagawa sa kanila ng ibang tao?
"Hindi namin iniintindi yung pagku-compare sa aming dalawa. Sa Mara Clara, siya yung bida, ako ang kontrabida so magkaiba talaga yung roles namin. Kami ni Kathryn, tulungan kami, super close kaming dalawa, araw-araw, gusto naming magkasama kami."
Gusto ba ni Julia ang role niyang bida-kontrabida?
"Okay sa akin yung bida-kontrabida. Challenging yun kasi hindi mo masasabi kung bida ba talaga siya o kontrabida. Nakaka-challenge magtrabaho kapag iba-iba yung roles na ginagawa mo."
"May isa akong dream role, yung ginawa ni Ms. Claudine Barretto sa Anak. Sobrang challenging ng role na yun, gusto ko mga ganun."
Inamin din sa amin ni Julia ang aktor na gusto sana niyang makapareha kung mabibigyan siya ng chance.
"Sa akin naman kahit sinong ipareha sa akin, OK lang. Ang dream ko talagang makatrabaho ay si John Lloyd Cruz. Bago pa ako nag-artista, siya na yung crush ko. Hanga talaga ako sa acting niya."
Nauugnay ang pangalan ni Julia kina Coco Martin, Sam Milby at kay Albie Casino. Agad naman itong binigyang linaw sa amin ni Julia.
"Hindi kami nagkikita o nagte-text ni Coco kaya nakakagulat nang lumabas ang balita sa amin. Si Kuya Coco, naka-work ko before pa, kaya nagulat ako na may kuwentong ligawan pa. Hindi kami nagha-hang out o nagte-text.
"Si Kuya Sam naman, nagkikita lang kami sa ASAP, kinukuwento niya sa akin na minsan nanonood siya ng Mara Clara pero hanggang dun lang kami. Walang hingian ng numbers kaya nakakagulat yung issue," aniya.
At paano naman si Albie na nagsabing na kay Julia daw ang katangian ng babaeng magugustuhan niya?
"Si Albie? Nakakagulat naman yan, seryoso ba yan? Flattered naman ako, thank you na yun ang tingin niya sa akin," ang sagot ni Julia.
Source: Pep.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento