Naaksidente ang sinasakyang sports utility vehicle (SUV) ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ilang oras bago ang kanyang laban kay Shane Mosley.
Nakatakda ang laban ni Pacquiao laban kay Mosley Sabado ng gabi, May 7, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada—o Linggo ng umaga, May 8, dito sa Pilipinas.
Filipino boxing champ Manny Pacquiao was involved in a minor vehicle accident but his management team said he was not injured and set for his WBOwelterweight title defense against Shane Mosley.
Ayon sa management team ni Pacquiao, galing ang Pambansang Kamao mula sa simbahan nang mabangga sa likod ang sinasakyan niyang SUV ng isa sa security vehicles niya. Mabuti na lang at mabagal ang takbo ng dalawang sasakyan.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng Pacquiao team na ang 10-times world champion ay "a little shaken up" pero hindi naman daw ito injured.
Sa kabila nito, tiniyak ng trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach sa mga reporter sa MGM Grand na "Manny is ready to go" sa kanyang naka-schedule na 12-round bout kontra kay Mosley.
Liyamado si Pacquiao sa laban nila ng Amerikanong boksingero, 6-1, ayon sa odds experts.
Bagamat si Mosley ay dating three-division world champion, sa edad na 39 ay nasa twilight na siya ng kanyang boxing career.
Ang huling laban ni Mosley, 39, ay noong September 2010 kunsaan nagtabla sila ni Sergio Mora.
Si Pacquiao, 32, naman ay galing sa kanyang panalo kontra kay Antonio Margarito noong November 2010 para sa kanyang ika-walong world title sa unprecedented eight weight class.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento